Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon
Paumanhin
Di ko sinadya
Na lumisan na lang
Kung papayagan mong tayoy bumalik
Sa huling tagpuan natin
Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
“Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin”
Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo
Kung ang pag-ibig koy di maitago
Paumanhin
Di ko magawang
Kalimutan na nalang
Kung papayagan mong tayoy bumalik
Sa huling tagpuan natin
Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Kita ko pa sayong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, di rin maibalik
Patawarin sana
Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpun natin
Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin
Kahit sa paalam, ikaw pa rin